HOME

No plan to take over Meralco: GSIS chief


ABS-CBN News - 4/30/2008 11:11:57 PM

The Government Service Insurance System (GSIS) on Wednesday said it has no plans of wresting control of Manila Electric Company (Meralco) from the Lopez family, legacy owners of the country’s largest power distributor. But GSIS President Winston Garcia admitted tensions are brewing between him and some Meralco board members and management. Garcia said he’s fighting for his right not only as a major stockholder, but also as a customer of Meralco questioning why power rates are high. He said he has been repeatedly denied access to corporate information matters, which he insists he has got a right to know. Oscar Lopez, chairman of First Philippine Holdings Corp., said Garcia is probably just making noise so he can turn around and sell GSIS’s Meralco shares for a high profit.

One Response to “No plan to take over Meralco: GSIS chief”

  1. kapirasongtinik on May 19th, 2008 at 12:00 am

    http://www.philstar.com/index.php?Bansa&p=50&type=2&sec=54&aid=2008051864

    Bansa
    Meralco sinusulot ng 3 GMA crony

    Monday, May 19, 2008

    Tatlong “crony” umano ni Presidente Gloria Arroyo ang nag-aagawan sa pag-take-over sa Meralco.

    Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Teddy Casino ang tatlong ito ang itinu­ turong “utak” sa demolisyon sa Meralco para magka­roon ng dahilan ng government take-over sa pinaka­malaking distribution utility sa bansa at hatiin ito sa tatlong franchise area.

    Ang plano ng tatlong malalaking pamilya ay ibinulgar matapos parata­ngan ni Casino na ang “Cebu Mafia” ang nasa likod ng mga serye ng atake sa pamilya Lopez at sa Meralco. Ginagamit umano ng mga pamilya na ito si Government Service Insurance System (GSIS) president and general manager Winston Garcia upang pataasin ang stake nito sa Meralco at atakihin ang mga polisiya ng nasabing distribution utility.

    “Clearly, Winston Garcia has a track record of using his position in GSIS to serve the interests of the Aboitiz group,” ayon naman kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) president Antonio Tinio.

    Tinukoy din ni Tinio na ang pamilya Aboitiz ay nasa power generation at distribution din, banking, shipping at kilalang supporter at malapit sa Arroyo administration.

    Bukod sa pamilyang ito ay pinapaboran din ng Malakanyang ang Alsons Group na kon­tro­lado na­man ng pamil­yang Alcan­tara. Si Tomas Alcan­tara ay kilalang ba­hagi ng kit­chen Cabinet ni Pangu­long Arroyo at siya uma­nong tu­matayong lider ng bulong brigade ng Napocor mafia.

    Ayon sa mga sources sa industriya ng kuryente at opisyales ng Napocor, ang dalawang grupong ito ang nag-eengganyo sa Mala­ kan­yang na awayin ang kasalukuyang management ng Meralco sa pa­mamagitan ng pagkakalat ng intriga na ang mga Lopez ang sanhi ng mataas na presyo ng kuryente at hindi ang 12 porsyentong EVAT at ang mataas na singil ng Napocor.

    Idinagdag pa nila na ang mga Aboitiz at Alcan­tara ay naglalaway din sa mga power generating plants na pag-aari ng mga independent power producers (IPP) at gagamitin ang impluwensya nila kay Arroyo upang sungkitin ang mga ito. Bukod sa pagiging kamag-anak ni First Gentleman Mike Arroyo, isa sa mga lalaking Aboitiz ay matalik na kaibi­gan ni Pangulong Arroyo.

    Sinasabi rin ng mga sources sa Philippine Stock Exchange (PSE) na ang nangangasiwa sa pamimili ng Meralco shares ay Vivian Yuchengco, isang stock broker at opisyal ng PSE, at ang ATR Kim Eng ang siya namang dinadaanan ng mga transaksyon.

    Upang mapabilis ang paghawan ng Meralco shares, si Diosdado “Bu­boy” Macapagal at si En­rique Razon ng ICTSI, ang ingatyaman ng partido ni Arroyo, ang siyang gina­gawa ngayong bukal ng pera para mamili ng Meralco shares.

    Kinondena na ng mga kongresista ang ginaga­wang maniobra ni Garcia at ang sobrang pakikialam nito sa usapin ng Meralco ga­yong hindi niya maipali­wanag kung saan nauuwi ang salapi ng GSIS at kung bakit sangkaterbang rek­lamo na ang ginawa ng mga pensyonado at ng mga kawani na pamahalaan na bumubuhay sa institusyong ito.

    Lumilitaw din na bukod pa sa pagiging presidente at General Manager ng GSIS, si Garcia ay umuupo at sumasahod din ng milyun-milyong piso sa ibat-ibang kumpanya na may investment ang GSIS.

Leave a Reply